Mukhang kinakarir talaga ni Sylvia Sanchez ang pagiging lola sa kanyang adorable apo kay Zanjoe Marudo at Ria Atayde. Sa kanyang latest post, tuwang-tuwa ang Lola Sylvia dahil nakuha ng kanilang baby Marudo ang kulay ng kanyang Tito Arjo pero ang face naman ay mula sa kanyang daddy Zanjoe.
Ibinahagi ni Sylvia na pantay ang nakuhang mga katangian ng kanyang baby apo mula sa both sides ng family pero ngayon pa lang ay nagbabanta na siya na kapag lumaki-laki na si baby ay madalas nila itong hihiramin.
Bakas naman sa mukha ni Zanjoe ang kasiyahan sa pag-welcome ng kanyang baby at sa magandang relasyon nila ng kanyang mommy Sylvia.
Kinaaliwan naman ng netizens ang latest post ng batikang aktres:
“best grandma ❤️❤️❤️”
“Ang cute lang! Hehe”
“Sarap maging byenan ni miss sylvia. Di jud cguro ka mastress ug ingani ba.”