All-Pinoy glam team nagpatingkad sa ‘80s look ng Pinay actress Liza Soberano sa Numero Netherlands cover

Nagpatingkad ng ganda ng Pinay aktres na si Liza Soberano ang galing ng Pinoy glam team.

Lahat ng atensyon ay nasa Pilipinang aktres na si Liza Soberano matapos siyang mahirang bilang “cover star of the day” ng kilalang Dutch magazine na Numero Netherlands.

Sa likod ng kanyang stunning na 80s-themed cover shoot ay ang all-Filipino glam team na binubuo nina makeup artist Athea Bueno, hairstylist Renz Pangilinan, at stylist Lyn Alumno.

Sa Instagram post ni Liza, ibinahagi niya ang kanyang saya sa kanyang mga litrato na kuha ng Pinay photographer na si Shaira Luna, unang nakilala bilang “Promil Kid” noong ‘90s.

Matapos ang kanyang Hollywood debut, tuluyan nang pumapasok sa radar ng global entertainment si Liza, lalo pa’t nakasama siya sa pelikulang “Lisa Frankenstein.”

Hindi rin nagpahuli ang aktres sa mga prestihiyosong events gaya ng SAG Awards at Anime Awards sa Japan, Vanities: A Night for Young Hollywood, at ang Elton John AIDS Foundation’s 32nd Annual Academy Awards Viewing Party, na kanyang pinost sa kanyang Instagram.

Sa kakatapos lamang na Numero feature, bumuhos ang papuri para kay Liza bilang isa sa mga pinakasikat na aktres sa Pilipinas.