Lahat ng uri ng celebrities ay lumutang sa ginanap na “Pista sa Nayon” celebration sa Ormoc National High School mula pa sa nawawalang si Alice Guo, dating pangulong Digong Duterte, maging ang Olympic double gold medalist Carlos Yulo.
Sa isang bahagi ng pagdiriwang, pumarada ang mga estudyante na naka-cosplay ng iba’t ibang controversial celebrities.
Rumampa sa kanilang campus grounds ang mga kalokalike nila Alice Guo, Robin Padilla, Sisa, Andres Bonifacio, at iba pang nakakatuwang personalidad.