‘Alice Gulo,’ leather jacket ni Tanggol, walang patawad na dinog-show ng Goin’ Bulilit

Benta sa mga fans ng OG at bagong version ng “Goin’ Bulilit” ang mga bagong spoof ng mga trending na eksena.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Para sa mga original fans ng OG “Goin’ Bulilit,” isa sa mga pinakaaabangan tuwing Linggo ay ang mga comedy sketches at makukulit na parodies na kinatatampukan ng mga cute na bagets sa mga role na pang matanda.

Kaya naman hindi na din nagtaka ang karamihan na ang gag show na may temang “For Adults Also” ay mamumulutan ng mga eksenang batay sa mga trending na balita at palabas, tulad na lamang ng kontrobersiyal na si “Alice Gulo,” hango marahil sa mayor ng Bamban na nasasangkot sa ilang katanungan sa kanyang pagkatao at pagka-mayor.

Sa episode ng “Goin’ Bulilit,” inispoof ng palabas ang mga Senate hearing kung saan ipinatawag si Mayor Alice ng mga senador upang gisahin. Pati ang mannerism nito sa paglalabas ng kanyang dila ay hindi nakaligtas sa show.

Hindi din naman nagpahuli sa pagkabibo ang spoof ng “Batang Quiapo” ni Coco Martin kung saan ang kanyang karakter na si Tanggol ay ginawang Sanggol. Hindi din nila pinalagpas ang pagsusuot ni Coco ng leather jacket kahit na lagpas-lagpas na sa heat index ang Pilipinas.

Para sa mga luma at bagong fans ng show, benta talaga ang mga walang patawad na jokes ng “Goin’ Bulilit,” kahit nagbago na ang cast nito dahil naglakihan na ang OG members.

“44years old na ako pero pinapanood ko ang going bulilit bukod sa cute na mga bata nakakatawa talaga ang mga jokes”

“Shuta kuhang kuha HAHAHAHAHAHAHA”

“David magiba giba cute baby Argus”

“HELPPPPP AHAHHAHAHAHAHAHAHAHA NATAWA AKO SA SANGGOL”

“CUTIE HAHAHAHAGA”