Algebra, ginamit sa pagtukoy kung matutuloy ang outing

Sa isang nakakatawang video, ginamit ang algebra para matukoy kung ilan sa barkada ang drawing lang ang pagsama sa outing
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kapag nagkayayaan ang mga magtotropa sa outing, asahan na lang iilan lang ang matutuloy dito. Kaya naman ang mga mahihilig sa math, hinanapan ng formula ang pag-compute kung ilan ang talagang natitira sa dulo ng galaan.

Sa isang nakakatawang video, ginamitan ng algebra ng Cris TV ang pagkuwenta kung ilan sa 13 na magbabarkada ang talagang makakasama sa outing.

Kasama ang mga factor kung ilan ang excited at ilan ang biglang magkakaroon ng ibang dahilan bago matuloy ang lakad.

Nagagamit naman pala ang algebra sa tunay na buhay.

(Facebook.com/criscomedytv)