Sa sitwasyon ba naman ng trapiko sa Pilipinas, talagang minsan mawawala ka na lang sa sarili.
Tulad ng aleng ito na muntik nang matangay ang helmet na pag-aari ng rider ng isang ride-hailing app na nasakyan niya patungong bus stop.
Natawa na lang ang netizens sa lutang moment ni ate girl na nakuha sa isang video na viral ngayon sa social media.
Makikita ang babae na walang kamalay-malay na suot-suot pa ang helmet habang nag-aabang ng bus na palakad-lakad pa.
“Dami siguro iniisip tapos pagod pa hehe,” komento ng isang netizen sa video na inupload ni Neil Urbano sa Facebook.
“Hahaha cute ni ate sa part na yan,” natatawang komento ng isa.
“Malalim iniisip ni ate,” pansin naman ng isang netizen.
Maya-maya pa ay makikita ang driver ng JoyRide na nagmamadaling lumapit sa babae.
Kinalabit ng JoyRide driver ang babae at agad naman itong nagtatalon sa gulat at hiya na suot pa pala niya ang helmet. Nagtinginan din ang nasa paligid ng babae.
“Cute ng reaksyon ni ate HAHAHA,” komento ng isang netizen.
“Ang cute nung mini lundag ni ate dahil sa nag halong gulat at hiya,” sabi naman ng isang netizen.
“Ang mahalaga,” saad ng isang netizen, “naabutan pa siya ng rider.”