ALAMAT naging stan magnet dahil sa kanilang solid ‘Soda Pop’ dance challenge entry

Nagkaroon na naman ng panibagong dahilan para ma-fall ang mga P-pop fans sa grupong ALAMAT.

Hindi nagpahuli ang P-pop group na ALAMAT para ipakita rin ang kanilang swag sa “Soda Pop” dance challenge na pinasikat ng fictional group na Saja Boys mula sa hit Netflix film “KPop Demon Hunters.”

Sa kanilang TikTok post, kuhang-kuha rin nila ang swabeng choreo ng hit OST ng pelikula kaya talaga namang mapapa-stan ang sinuman sa grupong binubuo nila Taneo, Jao, Mo, Tomás, R-Ji at Alas.

@alamat.official

SODA POP

♬ Soda Pop – Saja Boys & Andrew Choi & Neckwav & Danny Chung & Kevin Woo & samUIL Lee & KPop Demon Hunters Cast

Siyempre, giliw na giliw ang Magiliw fandom sa entry ng kanilang mga idols:

“Finallyyyyy!!! Take my soul and run! I don’t need it anyway!”

“oh. this fits them so well 😍😍😍😍”

“Waahhh, ayon may entry din ang mga 6inoo! 🤎”

“OMGGGG!!! THEY DID SODA POP😭”