Alam nyo na! Mommy bride na may makulit na anak sa wedding, may nakakatawang payo

May nakakatawang payo ang isang mommy bride sa mga susunod na tulad niyang ikakasal.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Lahat ng bride at groom, excited para maikasal at ma-share ang kanilang moment kasama ang kanilang mga kaibigan at kaanak. Yun nga lang kung minsan, ang mga ito pa ang umaagaw ng eksena.

Ishinare ni Mommy Joanne Bulalord ang kanyang nakakatawang picture mula sa kanyang wedding kung saan habang nagmomoment sila ng kanyang asawa ay bigla naman umeksena ang kanilang anak sa gitna ng dance floor at nag mala gymnastics doon.

Natawa na lang ang mag-asawa at mga bisita kaya’ t pabirong paalala ni Mommy Joanne sa mga susunod na ikakasal: “mag asawa muna bago mag-anak.”

Marami ding brides ang nagbahagi ng kani-kanilang entry sa comments section kaya’t naging masaya ang huntahan. At kahit pa hindi naging picture perfect ang mga moments sa kasal, ay mukhang happy naman ang mga mommies na nakasama nila ang kanilang babies sa kanilang big day.

“During ceremony may umiiyak ng mahina. tapos after ayan na, nagsumbong na, kinurot daw siya ng Tito niya.”

“Yung litol bride ko nakapag change ng gown tapos akong bride hindi. Hahaha! Tapos sa first dance may sarili syang steps kasi bigla nalang syang sumayaw sa gitna di naman sya dapat kasali. Competitive ang ferzon!”

“Ayaw humiwalay”

“My entry Tinopak bago mag umpisa ng dahil lang sa mineral water Buti na lang nung start na naglakad pa din at nawala na yong topak , after ceremony nag chi cheer na ng kiss daw”