Kung ang mga dalagita ay may debut o quinceañera, ang mga pusa ay may ganap rin para i-celebrate ang kanilang milestones.
Sa Houston, Texas, binigyan ng all-out birthday party ng fur mom na si Miranda Gonzalez ang kanyang alagang pusang si Hollie Marie na parang debut ng isang 15-anyos na dalaga.
At hindi ito simpleng handaan dahil dumating si Hollie sa kanyang party sakay ng remote-controlled Bentley, may pa-mariachi pa at sariling father-daughter dance number, ayon sa ulat ng TV station KHOU 11.
@mamaonamission15 Replying to @lalo leon ♬ original sound – Ironhall Gym
Ayon kay Miranda, ni-rescue niya ang alagang pusa noong anim na buwan pa lamang ito nang wala pa siyang anak. Kaya itinuturing niya si Hollie na parang panganay na anak.
“It was a quinceañera. I really wanted to go all out to celebrate my love for her,” dagdag pa iya.
@mamaonamission15 Yall wanted more! She truly is my soul cat and everything 😭😭😭😭 Don’t forget to click link in my bio and donate to Almost Home Cat Haven a no kill cat rescue in Houston Texas as a gift to our Holly ❤️ Their cash app is $deenaurich #cat #cats #catsoftiktok #catlover #catlovers #crazycatlady #quince #quinceañera #catquinceañera #15 #mariachi #mariachiband #quinceparty ♬ original sound – Miranda
Nag-viral ang party sa TikTok at umani ng milyon-milyong views. Pero hindi lang ito basta paandar dahil ginamit din ang event para makalikom ng donasyon para sa isang local cat rescue group na Almost Home Cat Heaven.
@mamaonamission15 My baby is 15 😭🥺❤️ #quinceañera #quince #quincedress #mariachi #mariachistiktok #catquinceañera #catquince #cats #cat #catsoftiktok #15 ♬ original sound – Miranda