Aliw ang dala sa internet ng isang alagang aso na tila hindi makapaniwala sa “balik-alindog” moment ng kanyang amo.
Sa TikTok video na inupload ni Shelly B (@sheilathev), mapapansing napatingin ang dating mahimbing sa pagkakatulog na aso sa kanyang among nag-eexercise sa kanyang harapan.
Hindi nagtagal, napabangon ito at literal na pinagmasdan ang bawat galaw ng kanyang amo na parang may sariling silent commentary.
Dinagsa naman ang comment section ng video ng mga netizens na may kani-kanilang hula kung ano ang nasa isip ng aso:
@sheilathev Na para bang hinusgahan niya na ang buong pag katao ko hahaha #fyp #fyppppppppppppppppppppppp #petsoftiktok #dogsofttiktok #aspin ♬ suara asli – Template POV/CORE – CORE MEONG 😺
Naglapag ang mga netizens sa comment section ng kani-kanilang hula sa iniisip ng aso habang nageexercise ang kanyang amo:
“Aso: napapano ka?”
“🐶: mhie okay kalang ba?,may ma sakit ba? HAHHAHAHAHA”
“🐶: dalawa na lang tayo dito maglolokahan pa”
“🐶:Hala totoo bato o Panaginip lang!?hala totoo ngaaaaa”
“🐶: Ano na naman trip mo ma?”