Alab Pilipinas players, pasok sa top performers sa pool phase ng FIVB Men’s Volleyball World Championship

Maraming resibong iniwan ang mga Pinoy players sa kabila ng kanilang heartbreaking exit sa FIVB Men’s Volleyball World Championship.

Walang dapat ikahiya ang Alab Pilpinas sa kanilang unang sabak sa FIVB World Volleyball Championship dahil sa pool phase ng kampeonato, bagahi ang mga balebolistang Pinoy sa may pinakamatataas na stats.

Si Bryan Bagunas ay #3 sa Best Attacker at Best Scorer sa kanyang naitalang 61 points. Si Marck Espejo naman pang apat sa Best Receiver sa kanyang 24 na na receive.

Pang apat din sa mga Best Setter si Joshua Retamar habang ang libero ng team na si Josh Ybanez, pang lima sa pinakamagagaling na receiver at pang pito sa best digger.

Ayon sa Philippine Sports Commission, ang ipinakita ng Alab Pilipinas ay magsisilbing hudyat lamang sa pagiging powerhouse ng mga Pinoy sa Men’s Volleyball.

“The journey is just the beginning🔥 Philippine volleyball keeps on rising 🇵🇭