Alab Pilipinas, hindi binigo ang fans sa preliminaries ng FIVB Men’s Volleyball World Championship

Pinatunayan ng Alab Pilipinas na ilalaban nila hanggang sa huli ang pagkakataong masungkit ang tropeo sa FIVB Men’s Volleyball World Championship.

Buhay pa rin ang pag-asa ng Alab Pilipinas para masungkit ang tropeo para sa FIVB Men’s Volleyball World Championship na ginaganap ngayon sa Pilipinas.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakapagsungkit ng panalo ang Pilipinas mula sa Egypt, ang kanilang unang nakalaban sa preliminaries. Winner ang Alab na nanalo ng 29-27, 23-25, 25-21, 25-21.

Malaking upset ang nangyari para sa mga kalaban dahil ang Pilipinas ang may pangalawang pinakamababang rank sa 32 koponan na tampok sa tournament.

Gayunpaman, hindi naman binigo ng team ang hometown crowd na nanood sa kanilang laro. Sa sobrang saya, napahiga pa sa sahig ang 71-year-old Italian coach ng team na si Angiolino Frigoni.

“I’m very happy for it. I am 71 and I went to how many World Championships, but every team has a story. Every team has a background, and for me, I had to lay down on the floor because I was so happy,” aniya.

Sa social media, mistulang nagpa-party ang mga Pinoy na super proud sa na achieve ng men’s team.