Siya na lang ang nag adjust baka maistorbo ang mga TikTokirist.
Umabot sa apat na milyon na views ang video sa TikTok ng aktor at singer na si Michael Diamse kung saan ay hindi agad makaalis ang kanyang nakaparadang sasakyan.
Paano ba naman kasi, ang apat na babae ay nagrerecord pa ng sayaw sa TikTok at ipinatong ang selpon sa sasakyan ni Michael, isang finalist noon sa the Pinoy Boyband Superstar ng ABS-CBN at sumali din sa “It’s Showtime Kalookalike: Daniel Padilla.”
“Hintayin ko na lang kayo matapos nakakahiya, ginawa nyong patungan yung sasakyan,” sabi ni Michael sa post niya.
Walang kamalay-malay ang apat na babae na nasa loob pala ang may-ari ng sasakyan.
Sabi ni Michael, umabot daw ng 45 minutes ang kanyang pag-aantay bago naperpekto ng mga babae ang kanilang sayaw at nagpasya na silang umalis.
Sinasabayan pa ng kanta ni Michael ang tugtog nila na “Gugmang Ga Aso-aso” na kinanta ni DJ Rowel.
“Ok, take 12. I-tag nyo nga ito sila kung kilala nyo,” pagbiro pa niya habang inuuli-ulit ng mga babae ang kanilang sayaw.
Natawa naman ang mga netizens sa kaganapan na ito:
“Wahahhaha Grabe Naman nyan Ikaw na nag Adjust Brother ,” natatawang komento ng netizen.
“Napakabait mo naman sir ikaw na po nag adjust di manlang sila nag thank you sa paka istorbo sayo,” sabi naman ng isa.