Ano ang gagawin mo kung lagi na lang may nagtatanong sa iyo kung ang bitbit mong pamangkin ay anak mo? Nakaisip ng isang magandang paraang ang certified tita na si Mary Joy Villasquez para matigil na ang mga tanong.
Ang solusyon: maglagay ng sign. Sa kanyang simple pero epektibong paraan, nauunahan niya ang nagbabalak pa lang magtanong kung ang cute niyang karay-karay ay kanyang chikiting.
Marami ding mga tita at pinsan ang naka-relate at nag-ka-idea sa sign na ginawa ni Mary Joy kayat kahit may kalumaan na ang post na ito ay mabenta pa din.
“magdala na kau ng ganyan”
“matindi”
“I feel you po”
“Grabehan na tlaga ngayon maam eh. HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHA”
“ganto pala dapat gawin ko lagi pag kasama ko jinelle. HAHAHAHA “pinsan lang po ako” HAHAHAHA”