Minsan, natatawa na lang ang mga fur parents sa naiisip na kalokohan ng kanilang mga alaga kaya’t kahit na nabalewala ang pagod at hirap ay hindi na nila ito inaalintana. Ganoon na nga ang nangyari sa isang fur mom ng isang cute na shih tzu na sinira ang kanyang workout video.
Sa TikTok post ni Rafaella Hecht, kitang-kita sa video na hinarangan ng kanyang alagang aso ang anggulo kung saan ipinapakita niya ang kanyang jumping rope routine.
Habang walang muwang ang kanyang fur mom na hindi na nakukunan ang kanyang ginagawa ay tila relax na relax lang ang shih tzu habang ang mukha niya lang ang nakukunan sa video.
Kahit hindi niya nakuha ang content na dapat niyang i-upload ay sulit pa din naman ang ibinahagi ni Rafaella dahil aprub na aprub sa kanyang followers ang view ng kanyang alaga.
@rafaellahecht A tentativa de gravar um treino, mas ficou bem melhor com a ajuda dele hahahah. #foryou #dog #Treino #fy ♬ Cena Engraçada e Inusitada – HarmonicoHCO
“it’s my time to shine!! nothing can stop meeeee! not even you mom!”
“im the main character here”
“His like look at me not her”
“Aww the best view”