Akalain mo! Mabahong utot, may magandang dulot laban sa high blood, heart problems at Alzheimers

Hindi dapat magalit na mabahong utot ng katabi, bagkus dapat pa itong pasalamatan, ayon sa eksperto.

Karaniwan na kapag may umutot, matic ang bintangan kung sino ang nagpasabog ng mabahong amoy.

May mga tinatawag na silencer, or silent but deadly kung saan kahit hindi marinig ang tunog ay pangmalakasan ang baho. Meron din namang eskandaloso, malakas pero hindi naman kabahuan ang amoy.

Ngunit ayon sa medical content creator na si Doc H, isang PhD sa Physical Therapy, imbes na magalit sa nagpasabog ng utot ay dapat pa itong pasalamatan ng mga katabi dahil ang mabahong utot ay may dalang kemikal na hydrogen sulfide.

“Ang hydrogen sulfide ay isa sa mga major components na nagpapabaho sa utot at ayon sa pagsusuri ng mga eksperto, ito ay nagpopotrekta sa mitochondria ng cells,” paliwanag ni Doc.

“Ang mitochondria ay ang powerhouse of the cells. Ibig sabihin, ito ang nagpo-provide ng enerhiya para sa mga cells natin para sila ay makapagtrabaho ng maayos. Dahil diyan pinoprotektahan nila ang ating katawan para maiwasan na magkaroon ng hypertension, heart disease, kidney problems, Alzheimer’s,” dagdag pa niya.

(Courtesy: Doc H/FB)

Marami namang netizens ang natuwa sa bagong kaalamang napulot mula kay Doc:

“maraming salamat doc sa pagbahagi tungkol sa utot”

“Talagang lahat ng ginawa ni Lord ay may pakinabang”

“Doc dami tawa ko sa comment thanks fir sharing”

“FROM NOW ON pag may umutot sasabihin ko Salamat sa utot mo laking tulong sa kalusugan ko”