Akala niyo ha? Marian Rivera, agaw-eksena sa English question para sa Century Tuna Superbods

Marian Rivera hindi umatras sa Inglisan bilang hurado sa Century Superbods.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Mas kilala man bilang maka-masa ay hindi naman din napahiya si Marian Rivera nang mag-request ang isang kalahok sa Century Tuna Superbods na i-translate niya sa English ang kanyang Tagalog question bilang isa sa mga hurado ng contest.

Kahit na naging humble ang “Rewind” star, hindi naman siya nahirapan sa pag-translate ng kanyang tanong tungkol sa ano ang maaaring idulot ng pagkapanalo sa contest sa future ng contestant.

Ngunit dahil mukhang English-speaking ang contestant ay nag-request itong ulitin ni Marian ang tanong sa Ingles. Pinaunlakan naman ni Marian ang request at sinabing “I will try my best.”

Naitawid naman ito ng walang kahirap-hirap ni Marian kaya’t natuwa din ang kanyang mga fans. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na si Marian ay isang graduate ng De La Salle University-Dasmariñas.