Nagdala ng saya ang asong si Sotsot sa mga netizen matapos niyang ma “Wow Mali” ang kanyang amo sa kalat na iniwan niya sa sahig.
Sa post sa Facebook ni Margarita Suzara, pinakita ang bakas ng kalat ni Sotsot na mga pulang bagay na pira-pirasong nakakalat sa sahig.
Sa una’y inakala ni Margarita na hotdog ang kinalat ni Sotsot sa sahig na bakas ng kanyang kinain.
“Unang tingin ko akala ko hotdog… jusko, ang bagong tsinelas na naman pala,” sabi ni Margarita.
Nagpahiwatig din si Margarita na hindi ito ang unang beses na namapak ng tsinelas si Sotsot.
“Sige lang Sotsot, immune na ko,” saad ni Margarita.

Mabilis naman nag komento ang mga netizen sa panibagong “project” na ginawa ni Sotsot.
“Naaawa nga sya sa nangyari sa tsineles eh kita nyo naman o parang iiyak na. Sabi ni sotsot, ‘mga tsinelas nyo dina sisikatan ng araw,’”
“Haha,, sori na po mami.”
“Medyo mabaet nmn po sila.”
Meron ding ilang netizen na pinakita ang kanilang sariling karanasan sa mga tsinelas na naluray ng kanilang fur babies.