AirAsia CEO Tony Fernandes, agaw-eksena nang magpakita ng dance moves sa stage

Ginulat ni AirAsia CEO ang mga guests sa kanilang event na nagtatampok sa mga Olympic at Paralympic medalists nang makisaya ito at sumayaw sa stage.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Napabilib ang marami sa AirAsia co-founder at CEO na si Tony Fernandes sa kanyang pagiging down to earth nang sumampa ito sa stage upang makisayaw sa AirAsia All Star Dancers para sa isang event na nagbibigay pugay sa mga achievements ng Asean athletes sa 2024 Olympics.

Nagulat na lang ang mga guests sa “Dare to Dream” event ng budget airline sa pagiging game ng CEO at pakikisaya nito sa event.

Sa event, binigyan ng AirAsia ng “Olympic Champions Pass” ang mga Olympic at Paralympic medalists para sa kanilang pagsusumikap na magdala ng karangalan sa kani kanilang bansa.

Para sa karamihan, ang imahe ng AirAsia boss ay istrikto at disiplinado dahil napanood ito sa Asian version ng reality show na “The Apprentice” na napanalunan ng ngayon ay sikat na motivational speaker na si Jonathan Yabut. Kaya naman natuwa sila na meron pala itong side na chillax lang.