AI-powered e-bike, pang next level na ride!

Naglungsad ang New York-based startup na Orbic ng isang AI-powered e-bike na ang priority ay ang kaligtasan ng mga riders.

Napapanahon ang paggamit ng AI-powered e-bike mula sa New York-based startup na Orbic dahil itinuturing nitong priority ang kaligtasan ng mga bikers. Ipinakilala bilang simula ng “bagong era sa smart transportation” ang kauna-unahang 5G-enabled e-bike na ito.

Bilang isang AI-powered e-bike, nagbibigay ito ng babala sa mga nagbibisikleta kung mayroong panganib tulad ng paparating na sasakyan gamit ang AI object detection at avoidance technology nito.

Sa ulat ng Inquirer.net, mayroon din itong 5G integration na nagbibigay ng real-time maps at konektado rin ang mga gumagamit ng e-bike sa kanilang mga kasamahang riders.

“Introducing Orbic’s 5G e-bike at MWC Barcelona is part of our innovation pipeline that implements advanced technology to expand connectivity and enhance user experiences,” ani Mike Narula, President and CEO ng Orbic.

“By integrating 5G connectivity and AI technology, we aim to redefine the riding experience, making it safer, more connected, and environmentally responsible whether on city streets, in suburban neighborhoods or the challenging terrain of mountain trails,” dagdag pa nito.

Aniya, ang 5G e-bike ay isang malaking hakbang patungo sa electronic mobility. “And we are excited about bringing this new technology to cities across the globe.”