Ah basta Ben! Laughtrip dulot ng isang Ben&Ben fan sa kanyang selfie post na napaghalo niya ang kambal

“Pano mo nga ba malaman sino? Kami rin nalito na hahahah,” sakay naman ng Ben&Ben sa nakakatawang post ng isang fan.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Sa sobrang excited at kilig ng isang Ben&Ben fan nang maka-selfie niya ang isa sa mga kambal, hindi na niya malaman kung sino sa dalawa ang kasama niya sa picture. Sa kalaunan, mali pa ang kanyang nai-tag nang i-flex niya ang picture na ito sa kanyang Facebook.

Natiyempuhan ni Raisy Faye Soriano ang mga miyembro ng sikat na banda, na pinapangunahan ng kambal na si Miguel Benjamin at Paolo Benjamin, nang mag-concert ito sa Provincial Capitol Grounds ng Calapan City para sa 73rd founding anniversary ng Oriental Mindoro noong November 15.

Siyempre kahit sinong fan tulad ni Raisy Faye ay di palalampasin ang pagkakataon na maka-selfie ang mga iniidolo.

“Miguel Benjamin” with matching crying face ang caption ni Raisy Faye sa kanyang inupload na selfie sa Facebook.

Naka-tag pa dito ang Ben&Ben official Facebook account, sabay may disclaimer sa baba na: “Nalilito na rin ako kung si Paolo or Miguel ito hahaha (nakakalito pag sa personal na tapos nasobrahan pa sa excitement hahaha)

Nirepost naman ito ng Ben&Ben na may caption: “Si Paolo Benjamin po yahrn” na may kasamang laughing emoji. Dagdag pa: “Pero oks lang magkamukha naman pareho lang yan,” sabay plug ng kanilang bagong kantang “Autumn.”

Tawang-tawa naman ang netizens sa naging mistaken identity at marami ring naka-relate kay Raisy Faye sa hirap matukoy kung alin nga ba si Paolo at si Miguel. Ang iba ay nagshare din ng kanilang mga selfies na di rin nila malaman kung alin ba sa kambal ang nakasama nila sa picture.

“Dapat tinag mo parehas para sure and safe hahahaa,” sabi ng isang netizen.

“Ben po yan kya pag magkasama ben and ben,” mungkahi naman ng isa.

Nag-share naman ng tips ang isang fan: “pag madaldal si Miguel. pag tahimik si Paolo yarn. si Miguel may nunal. at may pagkaka-iba din shape ng mukha at buhok. pero pag nakakalito talaga, sinasabi ko nalang, “wow si Ben&Ben!”

“ah basta ben,” komento naman ng Ben&Ben.