Agaw eksenang linyahan ng isang fan sa event ni EXO Chanyeol, nagpasaya sa mga netizen

Damang-dama ng isang fan na abot-kamay na lamang niya ang EXO rapper sa isang event.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Napasaya ng isang fan ni EXO Chanyeol ang Meet and Greet na inihanda ng isang local makeup brand dahil sa agaw-eksena nitong mga litanya.

Bumenta sa mga netizens ang post ng pahinang SM Entertainment Artists ng isang fancam video kung saan maririnig ang isang fan na halos maputol na ang litid sa kasisigaw kay Chanyeol at sa host na si Denise Laurel na noo’y nasa stage para sa show.

Kinaaliwan ng mga Pinoy fans ang mga pinagsasabi ng fan tulad ng yayain nito si Chanyeol na mag date sa seaside pagkatapos ng show. Nang mapadikit naman si Denise kay Chanyeol, naroon din namang pabiro nitong pagbantaan ang host na kilala nito ang buo nitong pamilya kung hindi ito lumayo sa EXO rapper.

“Kakatakot Naman Nyan bhie. Ang early ng November 1,” sabi ng isang commenter.

“May pagbabanta!” Obserba ng isa pa.

“saya mo bii,” sabi ng isang comment

“matuto na kayu magyaya in korean para gets niya agad,” suhestyon naman ng isa pang fan.

Oo nga naman.