Isang kakaibang cake ang kinaaliwan ng netizens dahil bukod sa mura at madaling gawin, napakasarap at praktikal din nito.
Sa isang Facebook post ng Awesome Pinoy Foodies, tampok ang reposted picture ng isang “adobo cake” na pa-birthday ng isang ina sa kanyang anak.
“Nak Pasensiya kana wala pambili ng tunay na cake si mama,” sabi sa caption ng post.
Galing ang picture na ito sa isang Vietnamese Facebook group ngunit maraming Pinoy ang nakarelate at naaliw dito dahil adobo ang isa sa mga classic Filipino dish na talagang hindi pwedeng mawala sa ano mang okasyon.
Base sa larawan, papasa naman talagang birthday cake ito. Bukod sa may adobo filling pa ang cake na gawa sa kanin, overload din ito sa sauce na nagmukhang binudburan ng caramel o syrup.
Tuwang-tuwa naman ang mga netizens na nabigyan sila ng sulit at masarap na tipid hack para sa kanilang next na birthday celebration:
“Sarap, daig pa niyan ang cake,” hirit ng isa.
“Ang galing di mo akalain na adobo and rice sya.. Mas okey na to kesa cake,” komento naman ng isa.
“Mas solid yan sa totoong cake.”
“Brilliant idea!”
“I will take this anytime! All-time favorite!”
“Nice suggestion, thank you!”
“Ang cake na kaya kong araw-arawin!”