‘Absolute hero!’ Sophie Turner, itsinika ang kabutihan ni Taylor Swift nang dumanas siya ng divorce kay Joe Jonas

Si Taylor Swift ang kumupkop kay Sophie Turner at sa kanyang mga anak noong sumasailalim sila sa divorce ni Joe Jonas.

Pinatunayan ni Taylor Swift na handa siyang tumulong sa kanayng mga kaibigan nang ilahad ni “Game of Thrones” star Sophie Turner na tinulungan siya ng pop icon noong siya ay nakipaghiwalay kay Joe Jonas.

Ayon kay Sophie, naging mahirap sa kanya ang kanyang divorce dahil nag file ang kanyang asawa noong oras na wala siya sa Estados Unidos dahil siya ay nag su-shooting sa ibang bansa. Aniya, napakahirap na wala siyang magawa upang makauwi sa kanyang mga anak dahil kailangan niyang tapusin ang kanyang proyekto dahil nakapirma siya sa kontrata.

Habang nagkakalabuan pa sina Sophie at Joe tungkol sa custody ng kanilang mga anak, sinabi ni Sophie na si Taylor ang sumaklolo sa kanilang mag-iina at nagbigay sa kanila ng safe space habang inaayos ang gusot dulot ng divorce. Matatandaang pinatira ni Taylor si Sophie at ang kanyang mga anak sa kanyang apartment sa New York.

“Taylor was an absolute hero to me this year. I’ve never been more grateful to anyone than I am for her because she took my children and me, and provided us with a home and a safe space. She really has a heart of gold,” sabi ni Sophie sa isang interview.