Abangers na mga alagang pusa sa harap ng handa pang Media Noche, kinabiliban ng netizens

Pati mga alagang pusa ni Albert Cuizon bawal din gumalaw ng handang pang Media Noche dahil wala pang alas dose.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kinagiliwan sa Facebook ng mga netizen ang mga pusa na alaga ng pamilya ni Albert Cuizon dahil behave na behave ang mga ito habang nakaabang sa nakahandang Media Noche noong Bagong Taon.

Bilin kasi sa kanila na bawal pa galawin ang mga pagkain sa mesa dahil wala pang alas dose at mag-pipicture taking pa.

“They are so cute!!!,” komento ng netizen.

“Hahaha! ang babait ng pusa sumunod dn nman,” sabi naman ng isa.

“Excited pa naman ung kulay orange na pusa hahahaha,” sabi ng isang netizen na tinutukoy ay ang pusang si Tobby na tumalon pa sa mesa pero akmang kakain ay bigla ring tumalikod.

“Hahahhahaaha tumalikod na c muning nahiya tuloy,” sabi din ng isa.

Na curious naman ang isang netizen at nagtanong kay Albert kung paano daw na-train na maging ganon kabait ang mga pusa kahit nasa harap na nila ang pagkain.

“Binubusog ko na po sila haha bago mag alas dose hahaha charot. Behave lng po sila kasi naka vidyow

pero matakaw mga yan po .Happpy new year,” sagot ni Albert.