Aba talentado! Alagang pusa, kumasa sa Yoyoyo dance challenge

Pati ang mga cute na furbabies humataw na din sa mga online dance challenges.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Hindi lang mga TikTokerists ang mahilig kumasa sa mga dance challenges sa social media. Maging ang mga alagang hayop ay marunong na ring sumunod sa trending.

Sa isang post ng Facebook page na Rhythm, ipinakita ang isang cute na furbaby na kasabwat ng kanyang furmom sa paggawa ng YoYoYo challenge na kamakailan ay nauso sa social media dahil sa mga artista at influencer.

Sa nakakatuwang eksena, unang sumayaw ang furmom ng pusa at nang ituro niya ang kanyang alaga, tumayo din ito gamit ang dalawang paa at ginaya ang sayaw ng kanyang amo.

(Courtesy: RhythmArtPH/Facebook)

Aliw na aliw naman ang mga netizens sa paandar ng alagang pusa:

“What a wholesome video”

“So adorable”

“Nice”

“HAHAHA CUTEEE”