Aadobohin yarn? Makulit na amo, nilagyan ng laurel ang paliguan ng alagang pusa

Mabait mang pumayag sa pagligo ang isang pusa at tila alam naman niyang pina-prank siya ng kanyang amo.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Tamang duda ang isang alagang pusa na matapos pumayag maligo ay nilagyan pa ng laurel sa timba ng kanyang among walang magawa.

Aliw ang netizens sa reaksyon ng mabait na pusa na kakaiba sa ibang alagang nagpupumiglas pag may kinalaman sa tubig ang usapan.

Inasar naman ng mga tao si muning na tila nakakahalata na may kakaibang nangyayari sa kanyang bath time.

“OMG Adobo Siopao”

“Ang cute at Ang bait ni mengmeng”

“Ahahaha tulala c mengmeng baka dw maadabo sya hehehe”

“Ano Yan mi bagong panganak yong pusa? Anti binat”

“anti hangin”

(Coutesy:julia.juanerio/FB)