Kahit namamayagpag muli ang career ni Kapamilya star Kim Chiu ngayon dahil sa sunod-sunod na hit projects, inamin nito na may pagkakataon na ninais na niyang mag-quit sa showbiz dahil sa pang-babash sa kanya ng mga tao noong nag-viral ang kanyang “Bawal Lumabas” video.
Noong kasagsagan kasi ng pandemic, nagmagandang loob si Kim na paalalahanan ang publiko tungkol sa pagsunod sa mga quarantine restrictions na ipinapatupad ng IATF ngunit medyo sumablay ang kanyang analogy.
Sa isang segment sa “It’s Showtime,” sinabi ni Kim na bago marating ang rurok ng tagumpay, may time talaga na makakaranas ng matinding pagsubok tulad noong nangyari sa kanya.
“Yung mga malaki opportunity, aabot ka talaga sa rock bottom. Ma, yung bawal lumabas. Uwi na akong Canada talaga. As in, nag-aalsa balutan na talaga kami. Totoo yun. Kasi lahat ng tao, sobrang bubung-bubu na sa akin. Yung parang, ano to, nakasagasa ba ako ng isang barangay?” ani Kim.
Kahit ganon ang nangyari, pinuri pa rin ni Vhong si Kim dahil nagawa pa nitong pagkakitaan ang kanyang sinapit at nakapagbenta pa ito ng “Bawal Lumabas” merch. Ani naman ni Kim, ginamit niya din ang mga kinita sa project para sa mga nangangailangan noong panahong iyon.