Larawan nila sa loob ng isang larawan na nasa loob ng isa rin nilang larawan.
Ganito inilarawan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang naganap na photo op nila ng isang matandang babae na pinost niya sa kanyang “My Day” sa Facebook kamakailan.
Hawak ni mayor ang isang larawan ng isang senior citizen ng magpalitrato ang ginang sa kanya na may hawak naman ng isa pang larawan nilang dalawa.
“Take a look at our picture inside the picture inside the picture!” ang nakakatawang caption ni Mayor Vico sa larawan.
Di naman mapigilan ng matandang babae na matawa sa tabi ng alkalde habang tinuturo nito ang kanilang larawan.
Sa susunod na magkita sila muli ay marahil hawak na naman ng matandang babae ang kanilang bagong kuha na larawan ni Mayor Vico na may larawan nila, na may isa pang larawan nila sa loob, at isa pang larawan ulit sa loob.