Umabot na ng 15 years ang feel-good sitcom na Pepito Manaloto na pinagbibidahan ni Michael V. at Manilyn Reynes kaya’t may ilang fans ng show ang nagbahagi ng kanilang tribute kung bakit mahalaga para sa mga fans na makapanood ng relasyon ni Pepito at ng kanyang pamilya.
Sa isang post ng Resibo ng mga Boses sa Utak Ko, sinabi nitong magandang halimbawa ang Pamilya Manaloto sa marami dahil ito ay isang tahanang nakakapag-communicate ang mga miyembro ng may pagmamahal at hindi nagpapalitan ng masasakit na salita.
Ani OP, mahalaga din na makita ng mga fans ng show na posible na magkaroon ng pamilya na umaasa sa isa’t isa, at sumusuporta sa kahinaan ng bawat isa.
Maganda ang mensahe ng palabas, aniya na mayroong tahanan tulad ng mga Manaloto kung saan posible ang maging masaya. Anito, kahit hindi perpekto ang tahanan ng mga Manaloto, ang nagpapasaya dito ay ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.
https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=pfbid0qzHc4xVQj4bicu9v34mug6PkCmZMrQNgLByMGk59vzUNtPBUEjKhr7f9sepzBHoMl&id=100086366156499&rdid=Ls7QIrBx8h7hUP8X#
Nagbahagi din ng kanilang mga paboritong bahagi ng programa ang ilan pang netizen.
“I want to get a yaya not to treat them like a slave but to treat them as a part of family like Manalotos did
and having a friend like Tommy my friend”
“Yes, everyone dreams of a good family setting, and i think that’s the writer’s goal to make us feel good with their fiction’s characters. I can’t wait to see a country surrounded by love and affection a family that’s built to character and a family that champions their behaviour and start giving love to everyone.”
“Yess, where love isn’t hard to find.”
“Pepito Manaloto is one of my go-to shows whenever I’m feeling sad”