9th member ng BINI? Glaiza de Castro, naglapag ng mapanakit na version ng ‘Salamin, Salamin’

Patok sa netizens ang bersyon ni Glaiza de Castro ng ‘Salamin, Salamin’ na orihinal na pinasikat ng BINI

Muling bumilib ang mga netizen kay Kapuso star Glaiza de Castro nang mag-upload ito ng acoustic version ng dance hit na “Salamin, Salamin” ng BINI.

Gamit ang gitara, binagalan ni Glaiza ang areglo ng nakakaindak na kanta at ginawa itong mala-ballad, bagay na nagdulot ng hugot feels sa maraming nakikinig.

Ayon sa mga fans, hindi matatawaran ang galing ni Glaiza hindi lamang sa pag-arte, kundi sa pagkanta dahil sa simpleng bersyon nito ay para itong naglalahad ng malalim na kwento. Kaibang kaiba sa orihinal na bersyon nito.

@xxglaizareduxx

🙃

♬ original sound – Glaiza De Castro

“Ay ang galing ng Pirena namin”

“Now I get the song hahaha. Galing Glaiza”

“Heartfelt rendition. Kudos, Ms. Glaiza!”

“Love your version”

“Sarap sa tenga”