Patok sa mga netizens ang mga video ng 96-anyos na si Nanay Saling dahil sa malupit niyang pagkanta sa videoke sa kabila ng kanyang edad.
Sa mga posts ni Melinda dela Cruz, makikita si Nanay Saling na effortless na bumibirit sa videoke kahit na siya ay may edad na at nakaupo lang sa kanilang sala.
“Para tayong dinuduyan sa boses ni nanay Saling @96 – in Bagong Barrio, Caloocan, Philippines,” ani Melinda sa kanyang post.
Hindi naman nagiisa si Melinda sa pagbibigay puri kay Nanay Saling dahil agad bumuhos ang mga comments ng mga netizens.
“Nakakamiss lola nmin parang c nanay lang dn ang boses parang kang dinuduyan.”
“Buti pa c Lola marunong kumanta Ako Hindi.”
“Aaaay galing poh ni nanay ganda ng boses singer talaga.God bless nanay saling and good health always.”
“Galing galing ni nanay ganda pa boses walang kupàs.”
“Nay sing pa more pls iyong mga awit noon kapanahunan niyo mgaganda ang himig.”