53-anyos na negosyanteng babae, kinabog ang lahat sa SUP adventure kasama ang 3 aso sa Iloilo River

Marami ang napabilib nang mag-stand up paddleboarding kasama ang tatlong aso ang isang negosyanteng si Lucy Lynette Ponce Uygongco sa Iloilo River noong bisperas ng Dinagyang Festival.

Bumilib ang mga manonood at netizens sa isang 53-anyos na negosyanteng si Lucy Lynette Ponce Uygongco matapos itong mag-standup paddleboarding (SUP) sa Iloilo River kasama ang kanyang tatlong alagang aso noong bisperas ng Dinagyang Festival sa Iloilo City.

Maning-mani lang kay Uygongco, na tubong Bacolod City, ang kanyang ginawa dahil siya ang kauna-unahang babaeng tumawid ng Iloilo papuntang Guimaras na nag-SUP noong Mayo 26, 2022.

Tila nag-enjoy din ang kanyang furbabies na sina Peanut, Butter, at Sandwich na naka Dinagyang costume din habang nakasakay sa board.

“This festive display not only showcases her remarkable journey but also promotes healthy living and the importance of clean river waters,” ayon naman sa Facebook post ni Iloilo Mayor Jerry TreƱas.

Idinaos ang Dinagyang Dinagyang Festival noong Enero 26 – 28, 2024