50 is the new 30! Ina Raymundo flinex ang kaseksihan sa 50th birthday shoot

Ina Raymundo, nasilbing fitness goals ng mga singkwentahin.

Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala ang mga fans na 50 years old na si Ina Raymundo. Kahit na mismong si Ina na mismo ang nagflex ng kanyang edad sa social media ay talagang hirap pa rin ang mga tao na tanggapin ang kanyang edad.

Paano ba naman? Mukhang 20 years younger si Ina na tila ba walang pinagbago mula sa kasagsagan ng kanyang karera noong 1990s. Pati ang kanyang katawan matapos magpalaki ng limang anak ay nanatiling fit and fabulous.

Sa isang photoshoot ay ipinagdiwang ni Ina ang kanyang bagong milestone kasabay ng pagpapakita ng walang kupas na kaseksihan.

“Marami ding na inspire kay Ina at ginusto ring maging fit sa kanilang 50s.”

“Wow beautiful🔥😍 50 is the new 30.”

“50 looks stunning on you, Happy Birthday te @‌inaraymundo95 ! ❤️”

“You’re truly the epitome of sexiness and the fountain of youth. At 50 you look absolutely stunningly beautiful, sexy, healthy, and glowing. ✨✨✨”