5 Pinoys na nasawi sa bakbakang Israel-Hamas, ginunita sa Israeli Memorial Day

Nagbigay-pugay ang Israel Embassy sa limang Pilipino na namatay noong paglusob ng mga teroristang Hamas noong nakalipas na taon.

Nagbigay-pugay ang Israel Embassy sa limang Pilipino na namatay noong paglusob ng mga teroristang Hamas noong nakalipas na taon.

Ipinagdiwang ng Israel ang kanilang Memorial Day o Yom HaZikaron noong Lunes, May 13, kung saan pinarangalan ang mga sakripisyo ng kanilang mga sundalo at sibilyang yumao dahil sa pagsugod ng Hamas.

Kasama sa mga ipinalangin ang mga OFW na sina Angelyn Aguirre, Loreta Alacre, Grace Cabrera, at Paul Vincent Castelvi, at ang Filipino-Israeli na sundalo na si Sgt. Cydrick Garin. Kabilang ang mga OFW sa 760 na sundalong Israeli, 834 na sibilyan at 68 na banyaga na mga ipinagdasal ng Israel sa Yom HaZikaron.

“Today is an opportunity to recognize OFWs in Israel. Most of them are still in our country, and they feel at home and loyal to their employers. Aside from OFWs, Filipino volunteers are in Israel to express unity with Israel during this difficult time. I could feel the spirit of support and solidarity among our friends from the Philippines,” ayon kay Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss.

“We feel mixed emotions – sadness on Memorial Day but happiness for Independence Day. Our life in Israel is in between remembering the loss of lives and celebrating the freedom, independence, and the great success of the state of Israel that shines amongst the nations,” dagdag pa niya.