47-anyos na nanay, naging instant inspiration matapos magdiwang ng birthday kasama ang Grade 11 classmates

Marami ang nainspire sa kwento ng isang nanay na nagbalik-eskwela at kasalukuyang nasa senior high school para matupad ang kanyang pangarap.

Nagsilbing inspirasyon ang isang TikTok video kung saan tampok ang isang nanay na nagcecelebrate ng kanyang ika-47 na birthday kasama ang kanyang mga kaklase sa Grade 11 sa University of Perpetual Help System.

Sa video upload ni Edgardo Ilano, makikitang masayang-masaya siyang kinakantahan ng kanyang mga classmates habang may mga abalang nagsisindi ng kandila sa kanyang cake.

Ikinuwento ng kanyang anak sa clip na dalawang taon na ang nakakalipas nang magpasya ang kanyang nanay na bumalik sa pag-aaral. “This is her now, celebrating her 47th birthday with her g11 classmates,” dagdag pa niya.

@edgardoilanooo Happy birthday, Mommy! ü always inspire me. Cheers to many more years of amazing memories and milestones!! #ageisjustanumber #fyp ♬ we can't be friends (wait for your love) – string version – Ariana Grande

Marami namang netizens ang nagpaabot ng pagbati sa comment section at sinabing nakakainspire ang journey ng kanyang ina:

“Continue to bring inspiration to a lot of people. Always be the light that shines the path for those who never thought they’d need a bright lantern on their journey.”

“Congrats to your mom! She’s an inspiration to many moms out there who still want to pursue their dreams.”

“Naiiyak ako congrats sa mommy mo 💖💖💖”

“happy Birthday po! Love this for you 💕 push na hanggang sa college”