‘3ow ph0ws!’ Celebrity couple Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, nagpaka-jejemon sa kanilang New Year party

Laugh trip ang dala ng jejemon-themed party na dinaos ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo nitong Bagong Taon para sa kanilang mga kaibigan.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Nitong nakaraang Pasko, iba-ibang theme ng party ang siguradong nagamit ng mga pamilya, barkada, magkakaopisina, at magkakaklase.

Pero iba ang naging trip ng mag-asawang sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo dahil jejemon-themed party ang kanilang napiling tema para sa kanilang party kasama ang kanilang mga kaibigan.

Mula sa mga makukulay na kasuotan, baliktad na sumbrero, maluwang na shorts, at unique na disenyo ng medyas, tinodo nga nila Jennylyn at Dennis ang pagganap bilang mga jejemon.

“3ow ph0ws! :] jAz 0n3 hApPhie Jej3 dAY kEsAmAh aHng mgA B3ssIEzx Kh0w!! ๐Ÿฅณ๐ŸŽ‰ Y3s yEsz y0wh,” caption ni Jennylyn sa kanyang post sa X.

Ang jejemon ay isang cultural phenomenon noong early 2000s hanggang 2010 kung saan may sariling pananamit at paraan ng pananalita ang mga kabataan.

Aliw na aliw naman ang netizens sa kaibang trip celebrity couple para sa kanilang Christmas party.