2NE1 mini reunion nina Dara at Minzy, nagpa-excite sa mga BLACKJACKS

Umaasa ang mga BLACKJACKs na muling magkakasama ang 2NE1 dahil sa laging pagkikita nila Dara ang Minzy

Para sa mga BLACKJACKs o mga hardcore fans ng Kpop group na 2NE1, isang malaking regalo ang mini reunion ni Sandara Park at Minzy sa Pilipinas kung saan nag-collab ang dalawa para sa Clumsy Dance Challenge.

Kahit matagal nang naghiwalay ang 2NE1 na kinabibilangan ni Dara, Minzy, CL at Park Bom, masaya pa din ang mga fans na makitang nananatiling matatag ang friendship ng apat na miyembro kahit naglipatan na sila sa iba’t ibang label at nag kanya-kanya sa kanilang solo career.

Umaasa din ang mga fans na maaaring mag-reunion ang apat tulad ng pasorpresa nilang pasabog sa Coachella Festival noong 2022.

“Wlang kupas mga lods q”

“Love you Dara and Minzy”

“Enjoy your vacation unni”

“Welcome to Manila Minzy”