20 Pinoy civil servants, may chance mag-aral sa Japan!

Naglaan ang Japan government ng Php121 million para sa postgraduate scholarships ng 20 Pinoy civil servants.

Isang magandang oportunidad ang nag-aabang para sa 20 mga batang Pinoy na civil servants para i- pursue ang kanilang graduate studies sa mga kilalang unibersidad sa Japan.

Naglaan ang Japan government ng Php121 million para tustusan ang kanilang postgraduate education bilang bahagi ng kanilang patuloy na suporta sa pag-unlad ng Pilipinas.

Naganap ang paglagda ng exchange of notes para sa Japanese Grant Aid for Human Resource Development Scholarship (JDS) na magco-cover sa academic year 2025-2026 sa pagitan ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Japanese Ambassador Endo Kazuya noong May 17.

“We are optimistic that this signing will sustain and further strengthen the bilateral relations between our two countries,” ani Kazuya, sa ulat ng Philippine News Agency.

Nag-umpisa pa noong 2002 ang pagsuporta ng Japan sa human resource development initiatives ng Pilipinas at umabot na rin sa umabot na sa 439 JDS Fellows ang kanilang nasuportahan.

“Upon their return, they are hoped to become future leaders helping lead social and economic development policies for the Philippines, and serve as a bridge to Japan and other nations,” dagdag pa ni Kazuya.

Magbibigay ng detalye ang embahada ng Japan sa mga susunod na araw para sa mga aplikante.