Magagaling talaga ang ilang Pinoy pagdating sa pagluluto. Kaya naman, hindi na nakakagulat na may dalawang Pinoy na napabilang sa listahan ng mga nominado sa tinaguriang Oscars ng culinary world.
Isa sa mga finalist sa “Emerging Chef’ category si Chef Nikko Cagalanan ng Kultura, na kilala bilang Food Network’s “Chopped” champion at matatagpuan sa Charleston, South Carolina, ulat ng ABS-CBN News.
Hindi rin magpapahuli si Lord Maynard Llera ng Kuya Lord na naka-base sa Los Angeles, California. Napasama rin siya bilang finalist para sa California’s Best Chef category.
Binibigyan ng parangal ng James Beard Foundation ang mga natataning chef at talento sa culinary arts, hospitality at food systems.
Magaganap ang announcement ng mga nanalo sa June 10 sa Lyric Opera of Chicago.