The next singing diva ng Pinas? Batang biriterang Mangyan hinangaan ng netizens sa sobrang ganda ng pagkakanta ng ‘Lupang Hinirang’

Batang Mangyan hinangaan sa ganda ng boses.

Humanga ang mga netizens sa ganda ng boses ng isang batang Ratagnon Mangyan sa San Jose, Occidental Mindoro na si Desylyn Enano nang naatasan itong kumanta ng pambansang awit para sa pagdiriwang ng Rizal Day ng lokal na pamahalaan.

Kinanta rin ni Deslyn ang “Ako ay Pilipino” sa nasabing pagdiriwang ng ika-127th anibersaryo ng pagiging martir ni Dr. Jose Rizal.

“Nakakaproud maging Pilipino. Muling nagpamalas ng galing sa pagkanta ang batang biriterang katutubong Mangyan na si Desylyn Enano,” ang pagmamalaki sa official Facebook page ng Tourist Information Center ng San Jose.

Umabot na sa 1.7 million views ang video ni Desylyn.

Marami naman ang nag mention kay dating senador at boxing champ Manny Pacquiao na kunin si Deslyn na kumanta ng national anthem pag siya ay bumalik muli sa boxing ring.

Ayon naman sa ibang netizens, ang pagkanta ni Desylyn ng pambansang awit ay “effortless.”

“Linis ng pag kakanta. Kudos sayo,” sabi ng isa.

“Ang linis bawat salitaaaaa . Galing,” sabi naman ng isang netizen.

Ngunit hindi ito ang unang pagkakataon na magpamalas si Desylyn ng kanyang galing sa pagkanta. Sa YouTube channel na Jhun Robles TV, mapapanood ang mga ilang performance ng batang katutubo, tulad ng pagkanta niya ng pangmalakasang kanta ni Celine Dion na “Power of Love” at “Love on Top” ni Beyonce.

Marami ang nagsasabi na kapag nabigyan si Desylyn ng pagkakataong magkaroon ng proper training ay mas gagaling pa ito at pwedeng maging next singing diva ng Pilipinas.