Kung ang ibang debutante ay hinahangad na lumikha ng mga alaala para sa kanilang 18 roses dance, hinangaan naman si Antonyt Cosico sa kanyang kumikitang kabuhayan concept sa kanyang debut.
Imbes na rosas ang ibigay sa kanya ng kanyang mga bisita, niregaluhan siya ng tag-isang biik na kanyang palalakihin at kapag nakapanganak na ay magbibigay ang debutante ng tagalawang biik kada indibidwal na nag-regalo sa kanya ng kanyang panimula.
Naisipan ng pamilya ang ganitong konsepto dahil sila ay may-ari ng isang feeds supply at piggery business. Nais din nilang magpakita ng pasasalamat sa mga naging katuwang nila sa kanilang hanapbuhay, ayon sa post ng TradeMark Events, na siyang namahala sa pagtitipon.
Kaya’t imbes na 18 roses, 18 flowers, at 18 gifts, ang natanggap ng dalaga ay mga panimula sa hanapbuhay na tulad ng 18 Biiks/Piglets, 18 Viepros, 18 Stargrows, 18 Growers, 18 Starters, 18 Breeders at 18 Finishers.
Hinangaan naman ng netizens ang business mindset ni Antonyt at ang pagiging mabait nito sa pagbabahagi ng kanyang mga blessings. Ani ng mga netizens, tiyak ang pag-asenso ng dalaga sa kanyang mga naiisipan para sa kanyang kinabukasan.
“Galing pangkabuhayan marami matulungan God Bless Happy Birthday”
“Matalino galing ng mindset ng Batang to.”
“Kakatuwa kakaibang debut..”