‘1773 weeks old’: Mala-newborn photoshoot ni Rhian Ramos para sa kanyang 34th birthday, patok sa netizens

Napa-wow ng aktres na si Rhian Ramos ang netizens sa kanyang kakaibang birthday photoshoot kung saan ginagaya niya ang isang sanggol.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Madalas na parte ng selebrasyon ng isang tao sa kanyang birthday, anniversary, o iba pang personal milestone ang pagkakaroon ng isang photoshoot.

Para sa kanyang ika-34th na birthday, isang pictorial din ang ginawa ng aktres na si Rhian Ramos ngunit may kasamang twist.

Sa kanyang Facebook page, makikita si Rhian na nagpictorial na tila isa siyang natutulog na sanggol na kakalabas lang sa mundo.

“Rhian turns 1773 weeks today❤” sabi ni Rhian. “When someone tells me that I’m aging backwards.”


Patok naman sa mga netizens ang mala-“Benjamin Button” na pictorial ni Rhian.

“The design is so cute and adorable, happy birthday little one enjoy your special day”

“Walang tsupo hays.. Enjoy your (actually our) special day baby Rhian. very cutesy.”

“happiest and blessed bday bby Rhian! ur always our baby through the years..”

“Yeyyy cute n adorable hbd baby girl”

“Love the humor”

“Now thats a baby i would take care of”