Walang pagsidlan ng kasiyahan nang ang pangarap na bahay para sa magulang ay nakamtan ng digital creators na Capinpin brothers.
Ani Gavin Capinpin, o mas kilala sa tawag na Ser Geybin, ang akala niya noon ay madali lang matupad ang pangarap na mabigyan ng bahay ang kanyang mga magulang.
“Mahirap pala…” pag amin niya.
Ngayon, matapos 15 taon na pinangarap niya ito mula noong siya ay nasa hayskul pa, ang pangarap na bahay ay kaniya nang nakamtan.
“Hindi ko inakala na sa isang pitik lang ng Diyos, pwede mabago lahat na pwede maging posible ang imposible,” sabi ni Gavin na mangiyak ngiyak sa kanyang video na kung saan nagpa house reveal siya sa regalong bahay para sa kanyang pinakamamahal na mama Beth nang magdiwang ito ng kaarawan nito kamakailan.
Nag iyakan pa ang tatlong magkakapatid na Capinpin brothers, kasama na si Allen na isa ring digital creator.
Mas lalong naiyak ang kanilang ina nang makita ang standee ng namayapang asawa. Ito agad ang napansin ng mama niya matapos tanggalin ang blindfold niya para sa sorpresang bahay. Niyakap ng mama nila ang standee ng asawa.
“Yung nakikita mo ngayon na ito, ito’y regalo ko sa’yo. Sa atin ito,” sabi ni Gavin sa kanyang ina.
“Totoo ba? ” ang siyang nasambit ng kanyang ina na hindi makapaniwala. Sobrang laki at lawak nga naman lugar kung saan nakatrik sa property ang tatlong bahay na pina renovate nila. Nagpagawa din sila ng pool na may jacuzzi.
Tinawag ng Capinpin brothers ang bago nilang tahanan na “Campinpin.”
Napahanga naman ang mga netizens sa pagmamahal ng Capinpin brothers sa kanilang ina.
“When you honor your parents, blessings will flow abundantly. Congrats!” sabi ng isang netizen.
“Ay grabe sobrang na touch ako sa inyo Ser Geybin napaiyak ako sa tuwa pagpalain po kayo ng Dios ang saya ng mama mo at mga kapatid mo☺️,” sabi naman ng isa.