Saan man sulok ng mundo, nagniningning ang bituin ng mga Pinoy dahil sa kanilang talento. Isang patunay dito ang 12-anyos na si Zola Bulan na nakatira sa Australia.
Sa darating na Setyembre 7, matutunghayan ang talento sa pagkanta ni Zola dahil isa siya sa opening acts para konsyerto ni Maestro Ryan Cayabyab sa Australia na “Ryan,Ryan Musikahan The Queensland Concert.”
“I’m excited to be a part of his concert. We’re working on finding the right song- something that matches my age and will resonate with the Filipino crowd,” ani Zola sa panayam ng SBS Filipino.
Sa edad pa lang ng dalawang taon, nakitaan na si Zola ng hilig sa Broadway musicals. Tumatak sa kanya ang mga Broadway shows tulad ng Shrek, Aladdin, Hamilton at Frozen.
“When Zola was young, we watched a musical show and noticed her interest in it. After that, she started to perform and sing,” ayon sa ama ni Zola’s na si Art.
Suportado ng mga magulang ni Zola ang kanyang passion at sa katunayan, pinasok nila ito sa drama at musical theatre classes. Sa edad na 12, nakapagperform na si Zola sa mga theatre productions sa Sydney at Brisbane. Payo naman ni Art sa mga magulang na suportahan at gabayan ang mga anak nila sa kanilang passion. “Support and observe your child. Understand what interests your child, and be there to support and guide her,” anya. Hinikayat naman ni Zola ang mga kagaya niyang mga kabataan na abutin ang kanilang pangarap at magpursige para rito. “Say yes to every opportunity, try everything, stay humble, keep your feet on the ground, and do your best in everything you undertake,” payo niya.