10-year-old Pinoy guitar prodigy, nagpabilib sa kanyang original piece sa isang guitar shop

Hinangaan ng mga netizens ang isang batang electric guitarist dahil sa kanyang galing sa gitara na nagpanalo sa kanya ng medalya sa Amerika.

Nagpasiklab ang electric guitar prodigy na si Carls Fret sa kanyang pagbisita sa isang guitar shop nang ibahagi nito ang sample ng kanyang performance na nagpanalo sa kanya ng gold sa ginanap na World Championship of the Performing Arts.

Ani 10-year-old Carlisle Jeniel Tanyag o mas kilala sa tawag na Carls Fret, ipinerform niya ang kanyang original work sa ginanap na kumptisyon sa America, at nakapagpanalo siya ng gold sa isang division.

Makikita din sa page ni Carls na kayang kaya niyang i-perform ang kahit anong kanta tulad ng “Master of Puppets” ng Metallica na sumikat dahil sa “Stranger Things,” at iba pang classic heavy metal pieces.

https://www.facebook.com/reel/26454441547537980/?s=single_unit