Sabi nga nila, if there’s a will, there’s a way. Patunay na likas ang pagiging malikhain ng mga Pinoy matapos mag-viral sa TikTok ang isang video tampok ang isang kahoy na ginawang listahan ng mga kailangang bilhin sa hardware store.
Biro pa ni uploader @sibanismo, nag-ala Moses na may Ten Commandments ang atake ng listahan sa kahoy.
https://www.tiktok.com/@sibanismo/photo/7551060338020535570
Napa-throwback bigla ang mga netizens at naglapag ng kani-kanilang mga biro sa comment section:
“buti may lapis, kung wala baka inukit na pa nya sa kahoy 😂”
“tanong lang po, kung camel din po ba sinakyan pa puntang hardware”
“na para bang hahawiin ang baha makarating lang sa hardware😂”
“na para bang may misyon ka sa sanlibutan”
“10 utos ni porman”