Napabilib ang mga netizen nang makita ang larawan ng unang branch ng Jollibee at nagbaliktanaw sa naging tagumpay ng prankisa na ngayon ay may 1,211 branches na sa buong bansa.
Ang pinaka naunang branch ng Jollibee sa bansa ay nagsimula sa pagbubukas ng pamilya ni Tony Tancaktiong ng isang Magnolia Ice Cream parlor sa Cubao noong 1975.
Tulad ng ibang negosyante, naghanap sila ng paraan noong nagkaroon ng pagbabago sa panlasa ng kanilang mga parokyano. Nagsimula silang magdagdag ng iba pang mga item sa kanilang menu tulad ng sandwiches at burgers dahil ito ang hinahanap ng mga customer.
Nang pumatok ang kanilang mga burger, nagdesisyon ang pamilya na i-convert ang ice cream parlor sa isang fastfood restaurant na siyang pinagmulan ng kilalang kilalang Jollibee sa ngayon.
“Nakain kmi ng nanay ko dyn.. magnolia p xa dati tpos nging jollibee. Ung waiter nya sa magnolia ni retain nya ng maging jollibee, sa kbila nyan may ma mon luk,” pagbabahagi ng isang netizen.
“Proud former jollibee crew here,” sabi naman ng isa.
“Naalala ko dyan aq unang una dnla ng nanay ko dti after nmin mg simba at mamili s farmers plaza dti…” ani isa pa.
“parang payat pa.nun c jollibee…” biro ng isa pa.
Marami din sa mga commenters ang nagsabi na na inspire sila sa tagumpay ng Jollibee na mula sa isang maliit na ice cream parlor ay kilala na ngayon sa buong mundo para sa kanilang signature Chickenjoy at Jolly Spaghetti.